Para kay Paolo Gumabao si Angeli Khang ang pinakamaganda at pinaka-sexy na artista ng Vivamax. Sa ginawang mga maiinit na love scen sa “Silip Sa Apoy,” marami ang nagtanong kay Paolo kung hindi ba siya nabuhayan ng dugo sa lampungan nila ng aktres. Sagot ni Paolo, “Actually, this is a common misconception para sa akin, when it comes to scenes like this.” Aniya, pati ang kaniyang mga kaibigan ay tinanong siya kung kamusta ang intimate scene nila ni Angeli. Ngunit para kay Paolo, ang mga ginawa nilang eksena ni Angeli ay walang malisya at purong trabaho lang. “Like ako, halimbawa, meron po akong mga kaibigan, nung napanood nila ang Silip Sa Apoy, may mga kaibigan ako, may mga circle of friends ako na hindi natin maiiwasan yung mga lalaki na, ‘Uy, pare, kumusta si Angeli, pare?’ gumaganun sila. So like, for me… ahhm… pagdating sa eksena, never akong nagkakaroon ng malisya. Hindi siya nangyayari,” paglilinaw ng aktor sa panayam sa Pep.ph. Dagdag pa ni Paolo, kaya nagmumukh...